Ni minsan ba’y ninais mong tang’nan ang bawat patak ng luha mula sa aking mga mata upang ito’y pigilan kahit man lamang sa maigsing sandali? Ni minsan ba’y ninais mong sukatin ang pagitan ng bawat tibok ng aking puso upang iyong malaman kung gaano katagal akong naghihintay sa pangako ng kawalan? Ni minsan ba’y ninais mong tanglawan ang aking kinasadlakang nababalot ng karimlan kahit man lamang sa buong magdamag hanggang magisnan ang bukang liwayway? Ni minsan ba’y ninais mong ipunin ang kumikinang na ginto mula sa sinag ng araw tuwing nalalapit ang dapit hapon di mapapaso, hanggang maialay sa akin? Ni minsan ba’y nanalangin ka sa Poon Na ang mga puso nati’y muling magbuklod At mag-alab sa habang panahon? May minsan pa bang sa ati’y nakalaan?